Thursday Qs 052313

Posting my answers to this week’s Thursday Qs courtesy of newlyweds@work or simply n@w.

Balik sa pagkabata!!!

1. What was your favorite game when you were a child?

Piko, Patintero, chinese garter, tumbang preso, teacher-teacheran (ako lagi ang teacher)

2. Who was your best friend in pre-school? In grade school? In the neighborhood? (At naalala ko yung commercial na… Sino best friend mo doon? LOL!)

Hindi ako ng pre-school eh; gradeschool- si Dolorosa, lagi ako sumasabay sa kanila kasi sinusundo sya ng nanay nya araw araw; neighborhood- si Ate Epang (Beverly ang name nya talaga, ewan bakit naging Epang) lagi nya kong sinasama sa palengke pag inuutusan sya ng nanay nya tapos nililibre nya ako ng 3m pizza. Lagi nya din akong kakampi sa laro and pinagtatanggol nya ko sa mga nang aaway sakin.

3. Lumalabas ka ba at naglalaro sa kalye? Kwento!!!

Until grade 4, nakatira kami sa isang compound na may malaking play area sa gitna. Sagana kami sa laro, pag umuulan merong parang kanal na nagpuputik yung gilid, nagsusulat kami dun ng name namin habang naliligo tapos unti unting nabubura ng ulan. Tapos bangkang papel naman, unahan. Nung nawalan ng trabaho tatay ko lumipat kami sa bukid, wala na masyadong laro kasi palayan ang paligid. Pag tag ulan naman, exaj sa baha. Kaya lagi na kong nasa loob ng bahay, dun na ko nasabihang parang mongha (?)

4. What was your favorite childhood chichirya?

Pompoms, zebzeb, cheese roll, iced gems. Pero pinapagalitan kami lagi ng tatay ko kasi puro vetsin daw yun.

5. What was your favorite TV show when you were a kid?

Voltes V, Daimos, Justice League, Lahat ng soap ni Julie Vega, Anna Karenina, TGIS, Tabing Ilog, Lovingly Yours, Saved by the bell, etc.

6. Share childhood memories that stand out (oo, kahit ilan, wag lang yung aabutin ako bukas kakabasa).

Pag umaalis ang nanay ko, at naiiwan akong nag aalaga sa mga kapatid ko, niyayakap ko yung mga damit nya. Napaka comforting.

Nung 1yo bunso namin, nauntog dahil sa kakalaro ko, ilang oras akong di pinapasok ng bahay, nasa labas ako ng pinto nadidinig ko sila nanonood ng tv. Iyak lang ako nang iyak tapos nag offer yung isang friend ko na sa kanila na lang muna ako matulog. Di ako pumayag, hanggang pinagbuksan na din ako ng pinto.

Nung grade 1 ako sabay kami umuwi ng kuya ko naglalakad lang kami tapos me isang pick up na pumara sa tapat namin pinapasabay kai. Kuya ko sumakay, tapos umandar na yung pick up, ako nagsisigaw sa kuya ko pinapababa ko sya (naisip ko agad kidnap) ayun tumalon sya sa umaandar na sasakyan, gumulong sya sa kalsada.

Grade 1 me honor ako, pag uwi namin from school, me kapitbahay na nagpadala ng isang malaking bote ng coke at isang tasty bread, tapos me nagbigay din ng isang ternong pambahay na damit. Ang saya saya

Grade 3, pinatawag sa school ang nanay ko, akala daw nya me kalokohang ginawa ako. Pagdating sa classroom, nasa pinto pa lang sya kausap ng teacher umiiyak sya. Nakita ko sa blackboard “congratulations” tapos number 1 ang pangalan ko. Kala ko nanalo ako sa raffle (uso bentahan ng ticket sa public school). Pag uwi namin, pinakita ng nanay ko yung card, first honor pala.

At dahil so far lahat ng Thurs Qs ko end with a letter…

*Sorry, alam ko ang lapit sa mahiwagang salamin but I think this is a really good thing to ask ourselves.*

7. Knowing what you know now about life, if you were to talk to your childhood self, what would you say?

Wala siguro ako masyadong sasabihin. Yayakapin ko lang muna sya ng mahigpit. Saka ko sasabihing “Sige lang mangarap ka lang at magsumikap. Di natutulog ang Dyos, dadating din ang panahon na giginhawa din ang buhay.”

Advertisements

~ by ivymarasigan on May 23, 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: